in

‘Prima Donnas’ teen stars, may bagong pinagkakaabalahan ngayong quarantine

 
Hindi lang sa aktingan may ibubuga ang teen stars ng GMA Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas’ dahil may bagong talento at hobbies din silang nadiskubre at pinagkakaabalahan ngayong quarantine.

Sa kanilang guesting sa Kapuso ArtisTambayan, masayang ikinuwento nina Jillian Ward, Elijah Alejo, Vince Crisostomo at Will Ashley ang ilan sa mga nadiskubre nilang hobbies at talents simula nang ipatupad ang community quarantine.
 
“Na-discover ko sa sarili ko na kaya ko palang gumawa ng kanta at choreography,” pagbabahagi ni Will na game na game ring nagbigay ng sample ng kanyang isinulat na kanta.
 
Sey naman ni Jillian, “Ako rin po, actually, nakapagsulat na rin po ako ng mga kanta. Natuto na rin po akong sumayaw, somehow. Natuto rin po akong mag-work out at alagaan ‘yung sarili ko. Natutunan ko rin po na mag-drawing lalo. At sa pagkanta, marami po kong natutunan na techniques.”
 
Nawili naman daw si Vince na maglaro ng online games, “Mas na-discover ko ‘yung mundo ng gaming. Ngayong quarantine lang ako napaglaro mostly ng online games kasi I prefer sports, physical games and outdoor activities. Ngayong quarantine, syempre hindi makalabas kaya nag-focus ako sa paglalaro ng online games.”
 
Pagpipinta naman ang nakahiligang gawin ni Elijah, “More on hobby po kasi noong nagsimula po ‘yung lockdown, wala po ako maisip na gawin. Minsan nagi-scroll po ako sa social media, napabili po ako ng paint by number kits.”
 
Samantala, huwag palampasin ang much-awaited fresh episodes ng Prima Donnas na mapapanood simula ngayong Lunes (Nobyembre 9) sa GMA Afternoon Prime. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lesha, nagbalik-tanaw sa malungkot na karanasan sa kantang ‘Sad Songs’

Derek Ramsay, suportado ang business ni Andrea Torres