Ngayon Sabado (Oktubre 31), isang masayang chikahan ang ihahatid ng Legaspi family kasama ang tinaguriang viral TikTok couple na sina Gardo Versoza at Ivy Vicencio sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’.
Ibibida ng mag-asawa ang behind-the-scenes ng kanilang nakakaaliw na TikTok videos at may inihanda pa silang patok na sayaw at yummy dish para sa viewers.
Hindi naman magpapahuli ang hosts na sina Carmina Villarroel, Cassy, Mavy, at Zoren Legaspi dahil game na game rin nilang susubukan ang ilan sa viral challenges gaya ng Jumping Rope at Hula Hoop Challenge.
Bukod diyan, may ituturo ring easy Christmas decor project ang Legaspi family na kayang-kayang subukan sa bahay ng mga manonood.
‘Wag magpahuli sa good vibes and fun morning bonding kasama ang Legaspi family sa Sarap ‘Di Ba? ngayong Sabado, 10AM, sa GMA-7!