in

‘All-Out Sundays,’ may engrandeng selebrasyon ngayong Linggo

Doble at engrandeng selebrasyon ang naghihintay sa viewers ng musical-comedy-variety show na ‘All-Out Sundays’ ngayong Linggo (Nobyembre 1) dahil bukod sa masquerade ball party na dadaluhan ng bigating Kapuso stars ay may bagong artist din na iwe-welcome ang AyOS barkada!

Makisaya sa masquerade ball-inspired opening number kasama sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Gabbi Garcia, Christian Bautista, Mark Bautista, Rita Daniela, Ken Chan, Ruru Madrid, Miguel Tanfelix, Jeremiah Tiangco, Garrett Bolden, Derrick Monasterio, at Paul Salas. 
 
Special guests din sina Rhian Ramos, Winwyn and Vito Marquez, at Anthony Rosaldo sa selebrasyon.
 
Makiki-join din sa Halloween episode sina Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Lexi Gonzales, Shayne Sava, at Kim de Leon sa kanilang performance ng hit song na ‘Thriller’.

Bukod sa bagong artist na ipakikilala ngayong Linggo sa AOS, makakasama rin ni Gabbi ang kanyang fellow guitar players na sina – Julie Anne, Jeric Gonzales, Jeremiah, at bestfriend na si Janine Teñoso sa acoustic performance ng mga kantang ‘Beautiful Scars’ at ‘Love Someone.’
 
May tribute rin ang mahuhusay na Kapuso singers na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos, at Maricris Garcia para sa magigiting na frontliners. At sagot naman ni Betong Sumaya ang katatawanan sa ‘Bentang-Benta’ – ang kauna-unahang online selling battle sa telebisyon kasama sina Archie Alemania, Tetay, at Atak. 
 
Tutukan din ang kakaibang musical challenge sa ‘Ano Raw?!’ kasama ang OGs na sina Jeric, Derrick, at Paul laban kina Ken, Ruru, at Miguel.
 
Walang dapat katakutan ngayong darating na Nobyembre 1 dahil garantisado ang isa na namang masayang Linggo kasama ang AyOS barkada sa ‘All-Out Sundays’, 12nn, sa GMA-7!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Grae Fernandez at Kira Balinger, mang-aagaw eksena sa ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’

Legaspi family, makaka-bonding sina Gardo Versoza at Ivy Vicencio sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’