in

Gabbi Garcia at Khalil Ramos, excited na sa kanilang bagong proyekto sa GMA Network

Good news para sa mga #GabLil fan dahil magkakasama na sa isang GMA series ang Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos!

Makalipas lamang ang dalawang linggo matapos opisyal na pumirma ng contract si Khalil sa GMA Artist Center, may nakaabang na kaagad siyang soap sa home network. At bilang sagot sa matagal nang kahilingan ng kanilang fans, makakatambal niya sa proyekto ang girlfriend na si Gabbi.

Sa Instagram story ni Khalil ngayong araw ay makikita ang photos nila ni Gabbi habang hawak ang isang pulang envelope. Laman nito ang mga detalye sa pagsasamahan nilang proyekto at kitang-kita ang excitement ng dalawa sa natanggap na balita!

Abangan ang big reveal nito soon sa GMA!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN Films sisimulan na ang pagpapalabas ng bagong pelikula diretso streaming

‘It’s Showtime’ hosts, kakaibang Magpasikat Performances ang handog para sa ika-11 anibersaryo