Alamin ang misteryong bumabalot sa likod ng mga katakot-takot na sanib at ang paniniwala ng iba’t ibang relihiyon sa Pilipinas tungkol dito sa TFC docu special na “Baffling Cases: Sanib,” na mapapanood ngayong Sabado (Oktubre 31) sa iWant TFC app at website.
Matutunghayan sa docu special ang mga karanasan ng mga taong nakaranas ng sanib, at kung paano ito nakaapekto sa kanilang pananampalataya.
Makakasama rin sa docu special ang mga eksperto sa iba’t ibang paniniwala at relihiyon tulad nina cultural anthropologist Felipe Jocano Jr., Fr. Felipe Pedraja, faith-healer na si Mary Cuevas, at Islamic exorcist na si Aleem Sulaiman Laguindab para ipaliwanag kung bakit nangyayari ang mga hindi pangkaraniwang bagay na ito at paano ito malulutas.
Huwag palampasin ang “Baffling Cases: Sanib” ngayong Oktubre 31 sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com para sa standard at premium subscribers. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel sa Nobyembre 1.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa [email protected].