Agad na pinapasok ng Kapamilyas sa kanilang afternoon habit ang bagong serye ng ABS-CBN na “Bagong Umaga” matapos mapanood ang pilot episode noong Lunes (Oktubre 26) sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live.
Nagtrending ang hashtag nitong #AngSimulangBagongUmaga at talagang pinag-usapan ito ng netizens sa Twitter. Marami sa kanila ay bitin na bitin at hindi na makapag-intay pa sa mga susunod na episodes.
Ayon kay @JUANBIEconfess1, “Galing ng cast! Nakakabitin! Hahaha. Congrats on the new show! #SimulaNgBagongUmaga @barbieeimperial.” Hiling naman ni @Sneys2, “Sana gawin na po ng 45 minutes nakakabitin sobrang bilis lalo na paglabas ng mga character nila @hperalejo along nakaka excite.”
Nabilib din ang Kapamilyas sa pinamalas na acting nina Glydel Mercado, Keempee de Leon, at Sunshine Cruz.
“May cinematic feels yung first few scenes. Tapos ang galing pa ni Glydel Mercado. Last saw her sa MHL, scene-stealer si mamang always. Madalas mga veteran actors na dapat support lang, sila pa yung nagdadala ng show #SimulaNgBagongUmaga,” tweet ni @bellaNY.
Ani ni @Herophi87716054, “#SimulaNgBagongUmaga si Sunshine Cruz, pwede talaga sa mabait at kontabida role.” “Keempee de Leon galeng,” sabi ni @shalotrivera1.
Natunghayan ng viewers ang pag-aalala ni Diana (Glydel) sa kanyang sanggol na nangailangan ng operasyon para mabuhay. Matapos humingi ng tulong kay Hilda (Rio Locsin) para kumbinsihin ang anak nitong may-ari ng ospital na sina Ian (Cris) at Maggie (Sunshine), hindi ito pinayagan. Agad na binawian ng buhay ang anak at dahil dito, nangako siyang maghihiganti.
Kasabay ng panganganak ni Diana ang panganganak naman nina Monica (Nikki Valdez), na may kumplikasyon ang pagbubuntis, at ni Maggie. Dahil puno na ang delivery room, mas pinili ni Ian na unahin ang panganganak ng asawa, sa kabila ng pagmamakaawa ni Jose (Keempee) dahil sa sitwasyon ng asawa.
Nang matapos ang panganganak ng dalawang babae, tuluyan nang naisagawa ni Diana ang balak na pagpalitin ang mga bata.
Ano kaya ang kahihinatnan ng pagihiganti ni Diana? Paano maapektuhan ang buhay ng mga sanggol ngayong sila’y lalaking hindi kilala ang tunay na magulang?
Huwag palampasin ang pilot week ng “Bagong Umaga,” na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).
Available din ito sa A2Z channel 11, na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Maaari rin itong mapanood sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.
Ito rin ay na sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWant app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.