in

Mark Bautista, ibibida ang new hobby sa ‘Mars Pa More’

Isa sa pinagkakaabalahan ni ‘All-Out Sundays’ star Mark Bautista ngayong quarantine ang paggawa ng kandila at ibibida niya ito ngayong Martes (Oktubre 27) sa Mars Pa More.

Sa isang previous interview ay sinabi ni Mark na isa raw ang candle making sa kanyang bagong hobby ngayong quarantine, “Kumota na nga ako sa ‘time for myself’ e. Umabot na ako sa pag-painting, pag-bake, lahat ng workouts ata sa YouTube nagawa ko na. Kaya ito nahiligan ko naman ang candle making.”

Natutunan din daw ni Mark ang kahalagahan ng paghahanap ng pagkakaabalahan sa gitna ng pandemya.

Aniya, “Maganda rin pala na marami kang gustong gawin sa buhay, pag-aralan. ‘Di ba sabi nila ‘do one thing and be good at it’ but I think na-realize ko ngayong quarantine na dapat pala marami ka ring matutunan. Para kung dumating ang ganitong panahon, ready ka kung halimbawa gusto mo magtinda ng pagkain or what. Like ako hindi ko alam na pwede ko pala mabenta ‘yung paintings ko.”

Tutukan ang isa na namang masayang chikahan kasama ang hosts na sina Camille Prats at Iya Villania sa fresh episode ng ‘Mars Pa More’, 8:45AM, sa Kapuso Network!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Heart Evangelista, kontra sa gender-based violence

Khalil Ramos, hinarana ang fans