in

‘All-Out Sundays’ stars, bongga ang performances ngayong Linggo  

Hindi dapat palampasin ang concert-level performances at star-studded guests sa GMA musical variety show na All-Out Sundays ngayong Linggo (Oktubre 25).

Tutukan ang inihandang sorpresa ng AOS barkada na pinangungunahan nina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Gabbi Garcia, at Alden Richards para sa Kapuso viewers.

May all-male singing fest din kasama sina Bugoy Drilon, Daryl Ong, Mark Bautista at Christian Bautista.

Sasabak din ang international singing sensation na si Marcelito Pomoy sa nauusong TikTok challenge na ‘Liparin Mo’ kasama sina Gabbi at Paolo Contis. Makikisali naman ang girl group na XOXO sa masayang laro na ‘Pasa Mode’ kasama sina Julie Anne at Rita Daniela.

Speaking of TikTok, may nakamamanghang dance battle sa pagitan ng dance challenge trendsetters na sina DJ Loonyo at Mannex Manhattan laban kina Rayver, Miguel Tanfelix, Vito Marquez, at Paul Salas. Si Ken Chan naman ang magsisilbing moderator ng kaabang-abang na battle.

Marami pang bonggang performances at masayang laro ang dapat tutukan ngayong Linggo sa ‘All-Out Sundays’, 12:00PM-1:45PM, sa GMA-7!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

BrightWin ng ‘2gether,’ makakasama ang Pinoy fans sa virtual fan meet ngayong Disyembre

‘Sakto’ nina Amy Perez, Jeff Canoy, at Johnson Manabat, palalakasin pa ang Teleradyo Morning Block