Isang wellness weekend ang hatid ng Legaspi family kasama si Kapuso actress Andrea Torres sa fresh episode ng ‘Sarap, ‘Di Ba?’ ngayong Sabado (Oktubre 24).
Dahil importante ngayong quarantine ang pagiging fit and healthy, may workout routine na ibabahagi sina Carmina Villarroel, Cassy, Mavy, at Zoren Legaspi na kayang-kayang sundan ng stay-at-home moms pati na rin ng work-from-home individuals.
Hindi lang ‘yan, may exercise secrets din na handog si Andrea sa mga gustong maging fit and sexy kagaya niya. Bukod sa gym, hilig din ng Kapuso actress ang pagluluto kung kaya’t ituturo niya ang isa sa most requested dishes mula sa kaniyang food business – ang Salted Egg Pasta!
Magkakaroon din si Andrea ng isang exciting tour sa bahay ng boyfriend na si Derek Ramsay.
Mag-relax at makisaya ngayong Sabado (Oktubre 24) kasama ang Legaspi family at si Andrea sa fresh episode ng ‘Sarap, ‘Di Ba?’ sa GMA-7.