in

Dennis Trillo, na-challenge sa role sa ‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly.’

Sa recent interview ng cast ng “I Can See You: Truly. Madly. Deadly.” ay ibinahagi ni Dennis Trillo na na-challenge siya sa kanyang role bilang si Drew. Aniya, “Na-challenge kami sa roles na binigay sa amin kasi hindi ito ‘yung pangkaraniwan na parang love team na may ordinary na love story. Ito, parang mas ipinakita ‘yung human side ng bawat character, e.”

Pagpapatuloy ni Dennis, “Hindi ko nga masasabi siya na grey, e. Gusto ko sabihin na mas human ‘yung character kasi hindi naman talaga siya mabait. Wala naman talagang taong purong mabait, wala namang purong masama.”
 
Tampok din sa serye sina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos. Napapanood ang “I Can See You: Truly. Madly. Deadly.” gabi-gabi, ‪9:15 p.m., hanggang ‪October 23 sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA News and Public Affairs, winner sa Asian Academy Creative Awards 2020

Aiko Melendez, grateful sa safe na lock-in taping ng ‘Prima Donnas’