in

Anthony Rosaldo at Jennifer Maravilla, may musical treat sa fans

May bagong regalo ang ‘The Clash’ alumni na sina Anthony Rosaldo at Jennifer Maravilla para sa kanilang fans.

Kamakailan ay nag-collaborate ang dalawa para sa isang cover ng sikat na kanta nina Mariah Carey at Brian Mcknight na ‘Whenever You Call.’ Mapapanood ito sa YouTube channel ni Anthony at patuloy itong umaani ng positive feedback mula sa netizens.

Sey ng isang fan, “Wow galing bagay ang dalawa mag duet galing ng boses grabeee namiss ko ito clash 1&2 sana magrecording kayong 2!”

Dagdag pa ng iba, ang lamig daw ng kanilang boses at ang sarap pakinggan lalo na sa panahon ngayon.

Samantala, patuloy na napapanood sina Jeremiah at Jennifer sa weekend variety show na ‘All-Out Sundays’ tuwing Linggo kasama ang iba’t ibang Kapuso stars sa GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikee Quintos at Kelvin Miranda, kitang-kita ang chemistry

Tom Rodriguez, problemado sa ‘Dear Uge Presents’