Masaya at fulfilling kung ilarawan ng cast ng ‘I Can See You: High-Rise Lovers’ na sina Lovi Poe, Winwyn Marquez at Tom Rodriguez ang kanilang naganap na lock-in taping.
Bagamat nanibago sa pagbabalik-trabaho at sa new normal taping, masaya raw ang cast ng serye dahil nakatapos sila ng isang magandang proyekto.
“The sense of fulfillment after ng buong taping, talagang you just can’t beat that feeling everytime nakatapos ka ng proyekto,” ani Lovi.
Dagdag pa ni Winwyn, “Ang sarap sa pakiramdam na I’m in front of the camera again and working with these actors and alam kong may ipapalabas kami na sobrang worth it panoorin.”
Sang-ayon din si Tom sa sinabi ng kanilang direktor na si Direk Monti Parungao na kakaiba ang atake at twist sa kanilang show at wala ring kontrabida na maituturing, “Everyone is a victim of circumstance na you could almost kind of see and feel or emphatize kung paano sila nadadala sa mga sitwasyon na ‘yon.”
Kasama rin nila sa cast ang actor-comedian na si Divine Tetay at aktres na si Teresa Loyzaga. Mapapanood ang ‘I Can See You: High-Rise Lovers’ mula October 12 hanggang October 16, sa GMA Telebabad.