in

Sinong papalit kay Marian Rivera? Gaganap sa role na ‘First Yaya,’ makikilala na sa Lunes!

Isang big announcement ang magaganap sa 24 Oras ngayong Lunes (Oktubre 12) dahil malalaman na sa wakas kung sino ang masuwerteng Kapuso actress na gaganap sa title role na ‘First Yaya.’

Ang upcoming primetime series na ito ang isa sa pinakaaabangang proyekto ng GMA-7 kaya naman looking forward na ang fans at netizens kung sino ang magiging bagong leading lady ng multitalented Kapuso actor na si Gabby Concepcion.

Ang First Yaya ay kuwento ng isang Vice President (Gabby), na kalauna’y magiging Presidente ng Pilipinas, at ng kanyang first family. Ang mapipiling Kapuso actress ang siyang gaganap na ‘yaya’ para sa mga anak ng presidente.

Tampok din sa cast sina Pancho Magno, Cassie Legaspi at Ms Pilar Pilapil. Ang ‘First Yaya’ ay sa ilalim ng direksyon ni LA Madridejos.

Abangan ang big reveal kung sino ang magiging ‘First Yaya’ ngayong Lunes sa 24 Oras!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Arjo Atayde, 7 beses nagtry sa Star Magic bago tuluyang natanggap

ABS-CBN Entertainment YouTube Channel subscribers, pumalo na sa 30 million