in

Arjo Atayde, 7 beses nagtry sa Star Magic bago tuluyang natanggap

Bago nakapasok sa Star Magic, inamin ni Arjo Atayde na inabot siya ng 7 beses nagtry bago tuluyang natanggap bilang artist ng ABS_CBN’s talent arm.

“7 times kasi ako nagtry sa Star Magic tapos eventually Mr. M got me for Star Magic,” sabi nya sa isang livestream tribute ng Star Magic para sa 5oth Anniversary ni Johnny Manahan o mas kilalang Mr. M.

Isa sa mga naaalala niya kay Mr. Mr. M ay ang laging pangungumusta nito sa kanyang ginagawa at talagang ina-acknowledge niya whether maganda o hindi ang kinalabasan ng kanyang trabaho. Lagi ring sinisiguardo ni Mr. M na siya ay nasa right track ng kanyang career.

“He would really acknowledge once you’re done a good job or not. It doesn’t matter whether good or bad, he really acknowledge to make sure your in the right track,” dagdag pa niya.

Para kay Arjo, si Mr. M ay isang father figure na soft spoken. Nagpapasalamat din siya sa mga opportunities, sa pagmamahal at guidance na ibinigay sa kanya ni Mr. M.

Si Arjo Atyade ay kilala sa pagganap niya bilang Joaquin Tuazon sa ABS-CBN primetime series ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ at bilang Francisco “Paco” Alipio sa drama series ‘Hanggang Saan’.

Nagsimula ang kanyang showbiz career sa ‘Ang TV’ noong 2001 hanggang 2002 at nagbalik showbiz sa taong 2012 bilang Jepoy sa ‘e-Boy’. Simula noon ay nag tuloy-tuloy na ang kanyang mga shows sa ABS-CBN.

Noong October 3, nagbigay ng tribute ang Star Magic para sa itinuturing nilang ama na si Mr. M. Ito ay isang celebration para sa ika-50 taon niya sa entertainment industry. Nakatanggap rin siya ng mga heart warming message mula sa Star Magic artists na sina Arjo Atayde, Carla Guevara-Laforteza, Denise Laurel, Diether Ocampo, Donny Pangilinan, Enchong Dee, Eric Nicolas, Erik Santos, Inigo Pascual, Jake Cuenca, Jane de Leon, Jason Dy, Jed Madela, John “Sweet” Lapus, Jona, Joshua Garcia, Julia Barretto, Ketchup Eusebio, Kim Chiu, Klarisse de Guzman, Kristine Hermosa-Sotto, KZ, Lala Vinzon, Liezel Garcia, Maris Racal, Mitoy Yonting, Nyoy Volante, Nonong Ballinan, Robi Domingo, Vina Morales, Vivoree, and Yeng Constantino.  Kasali na rin ang mga sikat na love teams na KathNiel, LizQuen at MayWard. Hindi rin magpapahuli ang mga leading ladies at heartthrobs ng Star Magic na sina Piolo Pascual, Sam Milby, Jericho Rosales, Bea Alonzo, Maja Salvador, and Shaina Magdayao. 

Si Johnny Manahan ay nagsimula sa entertainment industry noong 1971 at maraming mga kilalang celebrities ang kanyang nakatrabaho at ang iba naman ay natrain sa Star Magic. Siya rin ay naging director ng mga sikat at hindi malilimutang projects gaya ng ‘Ang TV,’ ‘Home Along Da Riles,’ ‘Oki Doki Dok,’ ‘Palibhasa Lalake,’ ‘Abangan ang Susunodna Kabanata,’ ‘ASAP’ at ‘The Voice of the Philippines.’

Written by Rhelyn Harder

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Patrick Quiroz at Vivoree Esclito, maagang regalo ang rendisyon nila ng ‘Star Ng Pasko’

Sinong papalit kay Marian Rivera? Gaganap sa role na ‘First Yaya,’ makikilala na sa Lunes!