in

Harapan nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria sa ‘Ang Sa Iyo Ay Akin,’ pinagpiyestahan online

Kinaaliwan at pinag-usapan ng netizens, pati na rin ang ilang sikat na online influencers, ang mga eksena at linyahan ng mga karakter nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria sa trending serye na “Ang Sa Iyo ay Akin”

Sa eksena nitong Lunes (Oktubre 7) kung saan na-imagine ni Ellice (Iza) na tinapunan niya ng sabaw si Marissa (Jodi) at binitawan ang linyang, “Ang isang tulad mo, mas bagay sa eat-all-you-can, dahil matakaw ka. Lahat gusto mong tikman,” hindi napigilan ng Twitter user na si Smoothie McCreery na magpost ng “Okay, uh, I feel attacked.”

Umabot na sa 150,000 views at 9,000 likes ang reaksyon ng sikat na Twitter user.

Mistulang showdown naman ng asawa at kabit ang eksena nina Ellice at Marissa noong Miyerkules (Oktubre 7) nang sabay silang manananghalian sa opisina ni Gabriel.

Pasaring ni Ellice kay Marissa na malansa ang dala nitong ulam na bagoong pero binara ito ni Marissa na sabi mahilig sa maraming ulam at putahe si Gabriel. Speechless at mukhang guilty si Gabriel habang nag-uumpugan ang dalawang babae sa buhay niya.

Nauna ngang nagparinig sa Ellice sa kanyang bestfriend at sinabing,”Ano yun, parang amoy malansa? Nagluto ka ng kare-kare, mukhang mamantika. Sana sinabi mo sa akin Marissa para nakapagdala ako ng dessert so that we can you know cleanse our palate. I just realized na ang dami mong dinala baka mapanis.”

Sinagot naman siya ni Marissa, “No, worries, Ellice. Hindi masasayang ang niluto ko. Itong asawa mo, mahilig yan sa maraming ulam.”

Samantala, ginaya naman ng sikat na YouTuber na si @itsACsLife ang unang pagkikita muli nina Ellice at Marissa. Sa ngayon, higit 10,000 views na ang post nito sa Twitter.

Nagpost din si Justine Dizon, isa ring sikat na influencer sa Twitter, na perfect combination ang cast ng serye.

“As in walang tapon sa cast! Jodi, Iza, Sam (revelation siya rito) and of course Maricel Soriano. I think Desiree Del Valle deserves more. Nakakagaan ng mga eksena sina Michelle Vito at Paulo Angeles and love ko sina Pinky at Tutti!”

Sa kabilang banda, hindi naman natatapos ang dapat abangan sa serye sa pagpasok ni Madam (Carla Martinez) na siyang tumulong kay Marissa para lumabas ng kulungan.

Sa episode nitong Huwebes (Oktubre 8) napanood siyang nakikipag-usap kay Ellice bilang bagong investor sa kompanya.

Sa pagpasok niya sa serye, ano pa kaya ang rebelasyong dapat abangan pa sa kanyang karakter? Ano kaya ang totoong pakay niya sa Cenidoza’s Pearls?

Huwag kalimutang sundan ang painit nang painit na kwento nina Ellice, Marissa, at Gabriel sa “Ang Sa Iyo Ay Akin” sa A2Z channel 11 analog TV sa marathon telecast ngayong weekend (Oktubre 10 at 11) at ang bagong episodes gabi-gabi simula Lunes (Oktubre 12).

Ang A2Z channel 11 analog TV ay mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Maaari rin itong mapanood sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gary V, may theme song para kina Cardo at Alyana sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Patrick Quiroz at Vivoree Esclito, maagang regalo ang rendisyon nila ng ‘Star Ng Pasko’