Sa kanyang “In The Limelight” episode, ibinahagi ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara kung ano ang kanyang ultimate dream role at project.

Gusto raw niyang sumabak sa isang action-heavy role upang mas maipamalas pa kung ano ang kaya niyang gawin sa larangan ng pag-arte, lalo na ngayong 18 years old na siya.
Kuwento ni Kyline, “Gusto ko talaga na magkaroon ng full-action na movie or teleserye. As in full-action like I really need to be physically ready kapag gagawin ko ‘yung project na ‘yon.”
Panoorin ang kabuuan ng kanyang In The Limelight episode sa GMA Artist Center YouTube channel.







