Ang ‘Bubble Gang’ star na si Analyn Barro ang sasalang sa patok na online dating show ng GMA Artist Center na ‘E-Date Mo si Idol’ ngayong Huwebes, October 8.

Post ni Analyn, “I’m excited to announce that I’m the celebrity searcher for this week! Handa na ako na makasama kayo sa ating favorite online dating show — #EDateMoSiIdol.”
Para sa chance na maka-date ang aktres bukas, mag-comment lang sa Instagram post ng GMA Artist Center. Abangan ang masayang episode na ito ngayong October 8, 8:00 p.m. sa GMA Network Facebook page at GMA Artist Center YouTube channel.







