in

‘All-Out Sundays,’ star-studded ang episode ngayong Linggo!

Bubuhos ang all-out performances at exciting na mga paandar mula sa naglalakihang Kapuso stars sa GMA musical-comedy-variety program na ‘All-Out Sundays’ ngayong Linggo (October 11).

Abangan ang inihandang all-out K-pop opening number ng Kapuso stars na sina Alden Richards, Rayver Cruz, Gabbi Garcia, Glaiza De Castro, Miguel Tanfelix at Julie Anne San Jose.
 
Makikisaya rin ang cast ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na sina Barbie Forteza, Kate Valdez at Migo Adecer pati na rin ang Prima Donnas stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan, Will Ashley, Vince Crisostomo, at Elijah Alejo.
 
Present din ang stellar cast ng upcoming GMA drama anthology na ‘I Can See You: High-Rise Lovers’ na sina Tom Rodriguez, Winwyn Marquez, at Lovi Poe.
 
Pagalingan naman sa pag-arte sina Jeric Gonzales, Paul Salas, at Denise Barbacena sa “Ang Drama Mo” kasama ang guest judge na si Rhian Ramos.

Bukod sa exciting na performances, marami pang Kapuso stars ang hindi dapat palampasin! Tumutok na sa ‘All-Out Sundays’ ngayong Linggo, sa mas pinahaba nitong oras 12:00PM-1:45PM, sa GMA-7!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Yasmien Kurdi, proud sa ‘I Can See You: The Promise’

DIY Christmas Décor, ituturo ni Jenzel Angeles