Kasalukuyan pa ring naka-lock in taping ang cast ng GMA Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas’. Sa interview ng 24 Oras kina Aiko Melendez at Wendell Ramos, ibinahagi nila na ginawa nilang bahay ang kanila-kanilang kwarto.
Kuwento ni Aiko, “What I did to my room, trinansform ko siya into my second home. Dinala ko lahat nung mga beddings na usually ginagamit ko sa bahay para ‘yung mga amoy nung anak ko nandoon pa rin. Nagdala ako ng lutuan ko, lahat talaga.”
Tulad ni Aiko, nagdala rin ng bed sheet at mga unan si Wendell, “May dala akong stuff na kamukha ng misis ko. Then ‘yung mga bedsheet, ‘yung mga pillow ko. May dala rin akong rice cooker at bigas.”
Dagdag na kuwento ni Aiko, kapana-panabik ang mga susunod na eksena sa ‘Prima Donnas,’ “Kailangan nilang abangan, matutuloy bang maikasal si Jaime kay Kendra? Ano bang mangyayari sa journey nina Kendra, Jaime, at Lilian? There’s so much na mangyayari talaga with the show. These six months na wala kami sa ere, we’re coming up with a big bang.”
Samantala, napapanood pa rin ang catch-up episodes ng ‘Prima Donnas,’ Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime.