in

RitKen, magpapakilig sa ‘Dear Uge’ ngayong Linggo

Ang Kapuso loveteam nina Rita Daniela at Ken Chan ang maghahatid ng good vibes sa episode ng Dear Uge ngayong Linggo (Oktubre 11). 

Sa kilig episode na ‘Isko-Lie ng Bayan,’ tampok si Ken bilang Isko, isang gwapong networking agent na mahilig magsinungaling para makaakit ng kliyente.

Ngunit ang biggest lie ni Isko ay ang pagtago ng kanyang feelings para kay Betty (Rita), ang kaniyang longtime crush.

Kaya lang “in a relationship” na si Betty at ang kaniyang best friend na si Troy (Yasser Marta). Pero malalaman ni Isko na niloloko lang pala ni Troy si Betty. Protektahan kaya niya ang matalik na kaibigan o ipagtatapat niya ang katotohanan kay Betty?

Panoorin ang ‘Dear Uge’ kasama sina Ken Chan, Rita Daniela, at Yasser Marta ngayong Linggo, Oktubre 11, sa GMA 7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mga bida ng ‘I Can See You: The Promise’, may realizations sa lock-in taping

‘The Clash’ Season 3, top trending topic nationwide!