in

Rita Daniela at Ken Chan, may “techniques” para matulungan ang Clashers

Para kina Rita Daniela at Ken Chan, hindi madali ang pagiging The Clash Journey Hosts dahil sila ang nagku-comfort sa mga natatanggal na contestant. Kaya para makatulong, may techniques daw silang ginagawa. 

Pagbabahagi ni Ken, “Ang technique ay pinapakiramdaman na namin ni Rita agad kung sobrang naapektuhan ‘yung Clasher na natanggal. Kasi totoo, sobrang mahirap kung paano mo kakausapin lalo na kapag sobrang na-depress o nalungkot sila sa pagkakatanggal nila. Kaya kami ni Rita, binabasa namin ‘yung description nung Clashers kung ano ‘yung pinagdaanan nila sa buhay.”

Pagpapatuloy naman ni Rita, “There are certain points lang na pwede namin tanungin kasi baka ‘pag tinanong namin tungkol sa isang bagay, lalo siya bumigay. Isa pang ginagawa namin ni Ken ay kapag may natanggal, wine-welcome na namin with a smiling face kasi pag na-feel nila na malungkot din kami, lalo silang malulungkot.”

Mapapanood na ang ‘The Clash Season 3’ every Saturday (7:15 p.m.) at Sunday (7:45 p.m.) simula October 3 sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, nahirapan sa taping ng ‘The Clash?’

Andrea Torres, binigyan ng makeover ang kanyang mommy