in

Star-studded line-up, handog ng ‘Wish Ko Lang!’ ngayong Oktubre

Sesentro sa pamilya ang mga episode na dapat abangan ngayong Oktubre sa Wish Ko Lang! hosted by Vicky Morales. Bigatin din ang mga artistang bibida sa bawat kuwentong mapapanuod tuwing Sabado ng hapon.

Ngayong October 3, sina Angelika dela Cruz, Barbara Miguel, Miggs Cuaderno, Neil Ryan Sese, at Angela Alarcon ang mga Kapuso star na magbibigay-buhay sa dramatization ng “Nilapa ng Buwaya” story. 

Tiyak namang aabangan din ng viewers ang mga susunod na episode. Kasama sa mga ito ang kuwentong pagbibidahan nina Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, Klea Pineda, at Kelvin Miranda. Muli namang mapapanuod sa telebisyon ang batikang aktres na si Rita Avila sa episode na kasama sina Vance Lareña, Crystal Paras, Michael Flores, at Arny Ross. 

Dapat ding panuorin ang episode ni Bianca Umali kung saan makakasama niya si Angelu de Leon, Chesca Salcedo, at Sue Prado. 

Bahagi rin ng “October Pasabog” line-up ng programa ang kuwentong pagbibidahan ni Katrina Halili kasama sina Dominic Roco, Divine, at Miggs Cuaderno.

Mapapanuod ang Wish Ko Lang! tuwing Sabado, 4 pm sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Tadhana,’ may fresh episode na ngayong Sabado

Iza Calzado, makukumpirmang anak ni Sam Milby si Baby Jacob sa ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’