Nagsimula na ang lock-in taping ng cast members at production crew ng GMA Afternoon Prime drama series na ‘Prima Donnas’.
Makikita sa photos na ibinahagi ng beteranang aktres na si Chanda Romero, na gumaganap bilang si Lady Prima Claveria, ang masayang reunion ng cast sa kanilang unang araw ng lock-in taping.
Mapapansin din na maingat na sinusunod ng cast ang social distancing at pagsusuot ng face mask at face shield bilang proteksyon.
Sa video rin na ipinost ng isa sa mga Donnas na si Althea Ablan ay makikitang layu-layo ang cast habang wala pang kinukunan na eksena. Maging ang direktor ng teleserye na si Gina Alajar ay naka-suot din ng tamang protective gear. Bago bumalik ng taping ay sumailalim din sa swab testing ang lahat ng bumubuo sa serye.
Habang kasalukuyang abala ang cast sa pagte-taping para sa fresh episodes ng Prima Donnas, mapapanood ang catch-up episodes nito sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.