in

‘Wagas,’ muling mapapanuod sa GMA Network simula ngayong Linggo

Muling eere sa GMA Network ang award-winning romance anthology na Wagas simula ngayong Linggo (September 27) pagkatapos ng All-Out Sundays.

Para sa unang throwback episode ng programa, mapapanuod muli ang love story ng yumaong si Sen. Miriam Defensor-Santiago at ng kanyang naiwang asawa na si Jun Santiago. Ang malapit na kaibigan ng Senador na si Heart Evangelista-Escudero ang bumida sa kuwento kasama si Geoff Eigenmann.

Sunod namang mapapanood next Sunday ang “Walang Imposible: The Ron and Mary Grace Sapinoso Love Story”. Tungkol naman ito sa lalaking may cerebral palsy na pinagbidahan nina Sid Lucero at Gwen Zamora. Nagwagi ang nasabing episode ng Gold Camera Award sa 2014 US International Film and Video Festival.

Unang umere sa GMA News TV ang Wagas noong 2013 on GMA News TV at naging daily morning series din last year sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Chris Tiu, balik-studio ngayong Linggo para sa ‘iBilib!’

Mga nawalan ng trabaho sa ABS-CBN Regional, todo ang pagtulong sa pamamagitan ng ‘Pantawid Ng Pag-Ibig’