in

Knowledge Channel shows, nasa Facebook Live na!

Patuloy ang pag-aaral online ng mga bata dahil nasa official Facebook page na ng Knowledge Channel ang mga kilalang educational shows nito.

Mula Lunes hanggang Huwebes, mapapanood ng mga batang nasa grades 1 to 10 ang mga lessons sa subjects na Math, English, Social Studies, at Science.

Samahan si Ate Michelle tuwing Lunes sa pag-aaral ng pag-babasa sa pamamagitan ng interactive storytelling at arts and crafts activities sa “Wikaharian Online World,” 1 PM.

Matutunan naman ang science sa pamamagitan ng simpleng home experiments na turo ng Pinay astrophysicist at cool scientist na si Dr. Reina Reyes sa “Science Says Live,” tuwing Martes, 4 PM.

Para naman sa masayang pag-aaral ng Math, panoorin si Kuya Robi Domingo sa kanyang pagbabalik bilang math teacher sa “MathDali,” tuwing Miyerkules, 4 PM.

Sundan si Kuya Kim sa kanyang bagong teaching job—ang pagiging quizmaster ng “Knowledge on the Go,” kung saan samu’t saring kaalaman ang matututunan tuwing Huwebes, 12:30 PM.

Samantala, mapapanood na sa Knowledge Channel sa TV ang mga sinusundang educational shows ng mga bata sa YouTube.

Kasama dito ang “Teacher Celine,” na tugkol sa alphabet at numbers, “Pambata TV,” na naghahatid ng Pinoy values, “Team Lyqa,” na nagtuturo naman ng English and Filipino, “Sir Ian’s Class,” isang masayang programang pang-social studies, at “Pinoy Online Class” at “Number Bender,” na pareho namang nagtuturo ng math.

Puntahan lamang ang Knowledge Channel website na knowledgechannel.org, ang Facebook page at YouTube channel nito, ang iWant o panoorin ito sa SKYcable Channel 5 at GSat Channel 45.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Aicelle Santos at Maricris Garcia, ibinahagi ang mga karanasan sa pagbubuntis

Top 30 ng ‘The Clash’ Season 3, ipinakilala na!