in

Kakai Bautista, Kayla Rivera, Elmo Magalona, Arkin Magalona, Katrina Velarde, at Candy Pangilinan, makiki-chika ‘Chika, Besh!’

Tuloy ang nakakagood vibes na kwentuhan sa “Chika, BESH! Basta Everyday Super Happy” kasama ang hosts na sina Pokwang, Ria Atayde, at Pauleen Luna-Sotto ngayong linggo.

Bibisita ang dental diva na si Kakai Bautista ngayong Lunes (Sep 28) at ibabahagi ang kanyang naging laban sa sakit na Covid, habang ang theater actress naman na si Kayla Rivera ay ishe-share ang kanyang theater experiences at paghahanda sa kanyang bagong role sa entablado ngayong Martes (Sep 29).

Paggawa naman ng musika ang ichichika nina Elmo at Arkin Magalona ng Miyerkules (Sep 30) habang family at business naman ang chika ng biriterang bride-to-be na si Katrina Velarde ng Huwebes (Oct 1).

Pagdating ng Biyernes (Oct 2), ibabahagi naman ni Candy Pangilinan ang buhay kasama ang anak na si Quentin.

Bukod sa masayang chikahan, mapapanood muli ang mga exciting segments ng show tulad ng Besh Tips, Patikim Patakam, Words of Wisdom, Share Ko Lang, Tatak Pinoy, at Virtual Gala kung saan dadalhin tayo ngayong linggo ng international correspondent na si Taki Saito sa Tokyo.

Simula ng mag-pilot ang programa noong August 17 ay patuloy ang pagtaas ng ratings nito at patuloy din ang magagandang feedback na nakukuha nito mula sa netizens.

Ang “Chika, BESH!”ay line produced ng Archangel Media na pinamumunuan ni Mike Tuviera at Jojo Oconer.

Siguraduhing good vibes lagi at manood ng “Chika, BESH! Basta Everyday Super Happy” Lunes hanggang Biyernes, 10 AM sa TV5. Mapapanood din ito the following day sa Colours Channel (Cignal TV ch 60), 11 AM.


Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Fans Ng MNL48, excited sa kahulugan ng #mnl48savethedate

Kaladkaren, pumalag sa netizen na pumansin ng kanyang boobelya