in

Dingdong Dantes, proud director ni Marian Rivera

Balik-taping na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes para sa ‘Tadhana’ at ang direktor niya ay ang asawang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. 

Dahil sa community quarantine, sa bahay lang nagshu-shoot ang mag-asawa.

“Medyo nag-a-adjust pa rin sa mga trabaho dahil siyempre sanay tayo na lumalabas ng bahay ‘pag nagtatrabaho. Pero this time, dito sa loob ng bahay namin halos ginagawa lahat ng trabaho,” ayon kay Marian sa interview ng 24 Oras.

Kuwento naman ni Dingdong, humahanga siya sa husay ng asawa, “Ang saya. E, ikaw [Marian] ba naman lagi nakikita ko sa harap ng lente ko. Very prepared parati. Very professional. Higit sa lahat, mahusay talaga.”

Samantala, malapit na ring mapanood si Dingdong sa pagbabalik ng primetime series na “Descendants of the Sun PH” sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Top 30 ng ‘The Clash’ Season 3, ipinakilala na!

Bea Binene, balik-taping na