Hindi nakalagpas sa netizens na kantiyawan si Rayver Cruz nang i-post ng Kapuso actor ang larawan nila ng pamangkin na si Rodolfo Joaquin Diego III o Baby Joaquin, anak ng kanyang kapatid na si Rodjun Cruz at asawang si Dianne Medina.
“Puwede na maging daddy!”, iyan ang sigaw ng netizens sa Instagram post ni Rayver kung saan makikitang kalong niya si Baby Joaquin habang nakasuot ng face mask.
Bumuhos pa sa comment section ang biro ng netizens at fans nila ng girlfriend na si Janine Gutierrez na maaari na raw silang bumuo ng sariling pamilya kagaya ng nakatatandang kapatid.
Samantala, mapapanood nang muling mag-perform on stage si Rayver at ilan pang cast members ng ‘All-Out Sundays’ ngayong Linggo (September 27) sa kanilang inaabangang pagbabalik-studio. Bukod pa riyan, mas pinahaba na rin ang oras ng programa na mapapanood mula 12PM hanggang 1:45PM sa GMA-7.