Kasalukuyang naka-lock-in taping ang cast ng Kapuso primetime series na ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’. Makikita sa ilang behind-the-scenes photos sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Kate Valdez, Migo Adecer, at veteran actresses na sina Dina Bonnevie at Snooky Serna. Kapansin-pansin ang social distancing sa set at ang pagsusuot ng cast at crew ng face mask at face shield.
Komento naman ng netizens, masaya sila dahil sa wakas ay nalalapit na ang pagbabalik ng serye at excited na silang mapanood ang pagpapatuloy ng kuwento nina Ginalyn at Caitlyn sa GMA Telebabad.