in

Dennis Trillo, tampok sa ‘Magpakailanman’

Muling mapapanood ngayong Sabado (September 26) ang “Patawad, Ama Ko” sa ‘Magpakailanman’. 

Tampok sa episode na ito si Kapuso Drama King Dennis Trillo bilang si Samuel, isang anak na nakagawa ng malagim na krimen sa kanyang ama.
 
Ilang taong nagtiis ng verbal abuse si Samuel mula sa amang si Julian (Allan Paule), dahilan para magkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawa. Pero isang pangyayari ang magtutulak kay Samuel para patayin, lutuin at kainin ang sariling ama.
 
Ano ang haharapin ni Samuel pagkatapos gawin ang krimen laban sa ama?
 
Abangan sa “Patawad, Ama Ko” ngayong Sabado, September 26, 8:00 pm sa ‘#MPK.’

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pagbabalik ng ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’, inaabangan na!  

Aicelle Santos at Maricris Garcia, ibinahagi ang mga karanasan sa pagbubuntis