Ibinahagi ng ‘I Can See You: Love On The Balcony’ stars na sina Jasmine Curtis-Smith, Pancho Magno, at Denise Barbacena ang pinakabaliw na bagay na nagawa nila sa ngalan ng pag-ibig.
Pag-amin ng first time dad na si Pancho, wala pa naman daw itong maituturing na ‘pinakabaliw’ na nagawa para sa asawang si Max Collins, “Wala naman akong crazy na ginawa para sa loved one ko. Siguro, crazy in love lang talaga ako sa kanya.”
Diretsahang ibinunyag ni Jasmine na naglipat ito ng bahay para sa kanyang minamahal.
Pagbabahagi naman ni Denise, may ideya raw siya sa kung anong gawain ang makokonsiderang ‘baliw’ para lang sa pag-ibig, “Not actually something I did but I think the craziest thing you can do is to lose yourself in the process of loving someone.”
Makakasama rin nina Jasmine, Pancho at Denise sa ‘Love On The Balcony’ ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.
Mapapanood na ang ‘I Can See You: Love On The Balcony’ simula Lunes (Setyembre 28) sa GMA Telebabad.