Inamin ng Kapuso actress na si Kiray Celis na na-realize niya kung gaano kahalaga sa kanyang buhay ang pamilya ngayong may pandemic.
Kuwento niya sa panayam ng GMANetwork.com, “Okay naman. Ngayon, super busy ako sa pagba-bonding ko sa family ko. Kasi bago nung COVID, mas pipiliin ko lumabas, kumain sa labas, manood ng sine with friends.”
Dagdag ni Kiray, masaya siya sa piling ng kanyang pamilya kahit na naapektuhan ang trabaho dahil sa kinahaharap nating health crisis.