in

GMA News TV newscasts, balik na simula ngayong Lunes

Good news para sa viewers ang pagbabalik sa ere ng mga newscast ng GMA News TV simula ngayong Lunes (September 21). Kabilang sa mga ito ang “Balitanghali”, “Quick Response Team (QRT)”, “State of the Nation with Jessica Soho”, at “Stand for Truth.”


Simula sa umaga, pwede na agad tumutok sa Dobol B sa News TV. Kasunod nito ang Balitanghali. Pagdating ng hapon, 3:30 pm, mapapanood naman ang Quick Response Team.

Patuloy pa rin ang simulcast airing ng Kapuso primetime newscast na 24 Oras, pati na rin 24 Oras Weekend. Sigurado namang marami ang mag-aabang sa pagbabalik ng State of the Nation with Jessica Soho na mapapanood tuwing 10 pm.

Local news naman ang ihahatid ng GMA Regional TV Strip pagdating ng 11 pm. Kasunod nito ang Stand for Truth, na napapanood pa rin online.

Dagdag pa rito ang “GMA Regional TV Weekend News” tuwing Sabado, 5 pm.
Patunay lang ito sa kung gaano kahalaga sa Kapuso Network ang paghahatid ng Serbisyong Totoo sa publiko, lalung-lalo na ngayon.
 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alden Richards sa pagbabalik-taping para sa I Can See You: “Sobrang iba talaga.”  

Mark Herras at Nicole Donesa, nagkaroon ng simpleng gender reveal party para sa anak