Isa si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa mga Kapuso star na sumabak nang muli sa pagte-taping sa ilalim ng new normal.
Kabilang si Alden sa star-studded cast ng pinakabagong drama anthology ng GMA-7 na ‘I Can See You’. Makakatambal niya para sa unang installment na ‘Love On The Balcony’ ang Kapuso leading lady na si Jasmine Curtis-Smith.
Sa kanyang panayam sa 24 Oras ay inamin ni Alden na nanibago siya sa unang acting project matapos ang ilang buwan na community quarantine, “First project shoot ko ‘yun since March. So, sobrang iba talaga.”
Idinetalye rin ng Kapuso actor ang pinagdaanan nilang preparasyon bago mag-taping para maging handa habang nasa set, “’Yung mga preparation prior to tapings nag-iba rin. Swab testing, tapos health monitoring. On the set, health monitoring pa rin. After nung taping namin, ‘yung last day, nag-antigen swab kami.”
Dagdag pa ni Alden, “’Tapos lahat hindi ko nakita ‘yung mukha. Lahat naka-mask, lahat naka-face shield. So, new environment.”
Makakasama rin nila sa ‘Love On The Balcony’ sina Pancho Magno, Denise Barbacena, at Shyr Valdez. Mapapanood ang unang installment ng I Can See You, sa ilalim ng direksyon ni LA Madridejos, ngayong September 28 na sa GMA Telebabad.