in

Carla Abellana, tampok sa ‘Magpakailanman’ ngayong Sabado

Ngayong Sabado (September 19), muling mapapanood sa ‘Magpakailanman’ ang “Sinapupunang Paupahan: The Naneth Villegas Story”. 

Bida sa episode ang Kapuso actress na si Carla Abellana bilang si Naneth, isang prostitute na aalukin ng customer niyang si Rudy (Ryan Eigenmann) na magbuntis para sa kanya. May problema raw sa matris ang asawa niya kaya hindi sila magkaanak. Kapalit nito, sasagutin ni Rudy ang lahat ng gastusin ni Naneth at bibigyan pa ito ng allowance. Pero nang mabuntis na si Naneth, bigla siyang tatakbuhan ni Ryan. Ano ang mangyayari sa batang dinadala niya?
 
Abangan ngayong Sabado sa #MPK ang “Sinapupunang Paupahan: The Naneth Villegas Story”, 8:00 p.m., sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘StarStruck’ Season 7 graduates, maglalaro sa Quiz Beh!

Kyline Alcantara, nag-aaral ng kursong Tourism