Ilang parenting tips ang ibinahagi ng Mars Pa More host na si Camille Prats para i-handle ang mood swings ng mga anak habang naka-quarantine sa bahay.
Sa kanyang interview sa Unang Hirit, ikinuwento ng Kapuso actress na maging ang kanyang mga anak ay nagiging iritable kung minsan dahil sa ilang buwan na pamamalagi sa bahay.
Aniya, “Napansin namin na ‘pag lagi lang sila nasa house, parang ‘yung mood nila iba. Mabilis mainis, mabilis umiyak, na hindi naman sila typically na ganun. Parang tayo ring matatanda, na naiinip at kung anu-ano na.”
“They probably feel the same. So, kapag may chance talaga, minsan umiikot kami sa kotse lang para lang may iba silang nakikita ‘tapos uwi na ulit–just so they can see something else aside from the four corners of the house,” dagdag pa niya.