Masaya ang award-winning Kapuso actress na si Therese Malvar dahil nakapagtapos siya ng senior high school with flying colors. Salutatorian ng kanilang batch ang aktres na nagawang pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista.
Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Therese na masaya pa rin siya kahit walang pormal na graduation ceremony siyang nadaluhan. Aniya, “This is what I want. I want to graduate on time.”
Sa kasalukuyan ay college freshman si Therese na kumukuha ng kursong AB Film. “Gusto ko rin maging part ng pelikula behind the camera. I would also want to try that. I want to be a director or a cinematographer,” say ng aktres.
Proud ding ibinalita ni Therese na napapanood sa Netflix ang pelikulang ‘Gasping For Air’ na kinabibilangan niya. Sunod na mapapanood naman ang ‘Distance’ kung saan nagwagi siya bilang Best Supporting Actress sa 2018 Cinemalaya Independent Film Festival.