in

Yasmien Kurdi, sinorpresa ng pamilya pag-uwi mula sa lock-in taping  

Matapos ang lock-in taping para sa mini-series na “I Can See You: The Promise,” nakauwi na si Yasmien Kurdi sa kanyang bahay kung saan may sorpresang naghihintay para sa kanya.

Sa Instagram, ipinost ng aktres ang maikling video kasama ang caption na “Grabe naman may pa-surprise pa sila Pangga at Ayesha Zara sa akin pagbalik ko sa bahay from my lock-in taping…may pa bouquet pa! Para naman akong balikbayan lol! Sobrang sweet naman…nilinis pa talaga nila yung room at inayos kung saan ako magse-self quarantine for few days…”
 
Pero para kay Yasmien, bawal pa rin ang physical contact, “Pasensya na sa inyo bawal muna kiss, hug at kwentuhan…kaya lumalayo rin ako (kwentuhan nalang tayo sa video call kahit nasa kabilang kwarto lang ako). Konting tiis lang para sure talaga na safe. Salamat talaga! Mahal ko kayo.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kyline Alcantara, aminadong fan ni Nora Aunor

‘Iba ‘Yan’ ni Angel Locsin, extended sa online!