in

Kyline Alcantara, aminadong fan ni Nora Aunor

Aminadong fan ang young Kapuso actress na si Kyline Alcantara ni Superstar Nora Aunor. Dahil sa serye nilang ‘Bilangin Ang Bituin sa Langit’, mas nakilala ni Kyline ang idolo. 

Aniya, “Si Ms. Nora kasi, ma-ge-gets mo kung bakit maraming nagmamahal sa kanya until now at maraming rumerespeto sa kanya until now because, walang halong showbiz, sobrang bait niya.”
 
Dagdag na kuwento niya, “And may time rin talaga na nakikipagbiruan siya, sumasabay siya sa aming mga bata, so isa ‘yun sa mga na-appreciate ko kay Ms Nora. Doon ko rin talaga na-re-realize na, ‘Oh my gosh. Kaya siya Superstar kasi ganito siya, kasi pagdating sa set, ayun na talaga siya, ready na siya.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kyle Echarri, singer-songwriter na rin sa bagong single na ‘I’m Serious’

Yasmien Kurdi, sinorpresa ng pamilya pag-uwi mula sa lock-in taping