in

Tiktok with a Heart, LDR couples sa ‘Bright Side’

Ngayong Martes (September 8), sa Bright Side ng GMA News TV, tampok ang mga nakaka-good vibes na kuwento kasama si Kara David.

Talagang pumatok ang online application na Tiktok lalo na nang nagsimula ang lockdown. Bukod sa mga paandar na videos, may ilan ding ginamit ang Tiktok hindi lang pantanggal bagot kundi para makatulong sa kapwa. Nakilala ng Bright Side ang isang Tiktoker na kindergarten teacher na dahil sa Tiktok ay nakalikom ng pondo para mapatayuan ng tindahan ang isang lola na madalas niyang bilhan ng nilalako nitong lumpia. Isa namang Tiktoker na kahit putol ang kamay at paa ay idinadaan sa Tiktok ang online selling para maipamahagi sa kapwa PWD ang kanyang mga blessing.

Samantala, hindi naging madali para sa may LDR o Long Distance Relationship ang taon na ito. Dahil kasi sa pandemya, nagdeklara ng travel ban ang gobyerno na nagbabawal munang bumiyahe palabas at papasok ng bansa. Pero ang Bright Side sa kabila nito: walang pag-ibig na sumusuko! Tulad ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro na nasa United Kingdom ang nobyo na si David. Exclusibong iku-kuwento ni Sang’re Pirena ng Encantadia ang kanyang LDR love story sa Bright Side.

Sa Good Eats, isang Flip Challenge ang magaganap kasama si Archie Alemania. Sino kaya ang magwawagi sa kanila ni Kara sa paggawa ng French dessert na crepe?

Panuorin ang Bright Side ngayong Martes sa New Normal: The Survival Guide, 8:30 p.m. sa GMA News TV. (30)

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Children’s TV Block at Online Portal na ‘Just Love Kids,’ ilulunsad ng ABS-CBN

ABS-CBN, naghahanap ng ‘Ultimate Bida Star’ online