in

Kate Valdez, ibibida ang bagong hobby sa ‘Mars Pa More’

Dahil importante pa ring stay at home muna tayo, nauuso ngayon ang paghahanap ng bagong pagkakaabalahan o hobby.

Isa sa mga artistang nakatagpo ng bagong kahihiligang activity ngayong quarantine ay si ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday’ star Kate Valdez. Sa darating na Thursday (September 10) episode ng ‘Mars Pa More’, ipakikita ni Kate ang kanyang newfound skill na roller skating at bibigyan ng tutorial ang viewers.
Bukod pa riyan, makikisaya rin ang ‘Bubble Gang’ actor na si Archie Alemania na magluluto naman ng healthy dish gamit ang nauusong air fryer.

Tutukan ang masayang chikan na ‘yan ngayong Huwebes kasama ang Kapuso mommies na sina Camille Prats at Iya Villania sa ‘Mars Pa More’, 8:45AM, sa GMA-7! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Carla Abellana, nagpalinis ng bahay

Glaiza De Castro, masayang napapanood sa Netflix ang ‘Sleepless’