in

#JusticeForJenniferLaude: Liza Soberano, disappointed sa desisyon ng goberynong palayain si Joseph Scott Pemberton

  • Hindi masaya sa naging desisyon ng gobyerno na mapalaya ang taong pumatay kay Jennifer Laude si Liza Soberano
  • Ang Kapamilya actress ay talagang disappointed at nalungkot sa naging desisyong ito
  • Si Presidente Rodrigo Duterte ang nagbigay ng absolute pardon kay Joseph Scott Pemberton

Trending ngayon sa social media ang desisyon ni Presidente Rodrigo Duterte na ma-grant ng absolute pardon ang United States Marine na si Joseph Scott Pemberton sa pagpatay sa trans Pinay na si Jennifer Laude.

Dahil dito, hindi napigilan ni Liza Soberano ang magpost sa kayang Twitter account na hindi siya sumasangayon sa naging desisyon ng gobyerno na mapalaya ang taong pumatay sa ating kababayan.

Para kay Liza, tila unfair na palayain ang may sala dahil nagbehave lang ito sa loob ng bilanguan at para bang kakalimutan na lang na ito ay pumatay ng isang tao dahil sa kanyang sexual orientation.

Ang actress ay talagang disappointed at nalungkot sa naging desisyon ng gobyerno.

Si Pemberton ay convicted sa pagpatay kay Jennifer Laude noong 2014. Kamakailan lang, ayon kay Spokesperson Harry Roque, ang Presidente ay binigyan ito ng absolute pardon.

“Pwede na po siyang umuwi dahil mayroon na siyang pardon,” ayon kay Harry Roque sa isang pahayag.

“Ano ibig sabihin ng absolute pardon? Ibig sabihin na makakalaya na si Pemberton. Wala na pong isyu kung siya entitled sa GCTA, wala na pong isyu kung applicable ang batas dahil hindi siya nakulong sa national penitentiary,” dagdag niya

Paliwanag pa ni Roque, “The President has erased the punishment for Pemberton but not his conviction for the death of Laude.”

Written by Rhelyn Harder

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Paolo Contis, sinadyang magpapayat

Children’s TV Block at Online Portal na ‘Just Love Kids,’ ilulunsad ng ABS-CBN