in

Children’s TV Block at Online Portal na ‘Just Love Kids,’ ilulunsad ng ABS-CBN

Handog ng ABS-CBN ang mga programang may hatid dagdag kaalaman at libangan para sa mga bata sa pinakabago nitong morning block sa Kapamilya Channel at mapapanood din anumang oras sa online portal na pinamagatang Just Love Kids.

Bukod dito, hatid din ng network ang patok na Star Magic workshops nito online para sa mga batang nagnanais hinangin ang kanilang mga talento habang nasa kanilang mga tahanan.

Simula Biyernes (Setyembre 11), mapapanood na ang mga bago at minahal na child-friendly Kapamilya program nang libre sa Just Love Kids online portal.

Magsisimula naman ang Just Love Kids block sa Kapamilya Channel na mapapanood sa cable at satellite TV simula Setyembre 12 tampok ang “Robo Car Poli,” “Adventures of Tom Sawyer,” “Pop Babies,” at “Team YeY” tuwing Sabado simula 6 am at ang “Wikaharian, “MathDali,” “Bayani,” at “Hiraya Manawari” tuwing Linggo simula 7 am.

“Isang one-stop shop platform ang Just Love Kids na naglalayong maghatid sa mga magulang ng multimedia content na may dalang impormasyon, libangan, at laro para sa mga bata,” ayon kay Red Lasam-Escueta, Kids Digital Content head ng ABS-CBN.

Makikita rito ang playlists na may iba’t ibang tema na angkop sa pangangailangan ng mga bata ayon sa kanilang edad: kategoryang preschool para sa mga may edad 2 hanggang 5 taon; primary para sa may edad na 6 hanggang 8 taon; at intermediate para sa may edad 9 hanggang 12.

“Magbibigay din ang Just Love Kids ng printable worksheets at iba pang gawain upang ma-engganyo ang mga bata sa paggawa kasama ang kanilang mga magulang,” dagdag ni Red.

Kabilang din sa mga tampok na palabas sa portal ang mga educational show mula sa Knowledge Channel na naka-angkla sa curriculum ng DepEd at Kapamilya programs na nagtuturo ng kabutihang asal at pagpapahalaga sa pamilya, komunidad, at sa pananampalataya tulad ng “Wansapanataym,” “Starla,” at “100 Days to Heaven.”

Tiyak na matutuwa rin silang mapanood ang kanilang paboritong palabas mula sa YEY channel tulad ng “Team YEY” at “Pororo,” at iWantTFC originals tulad ng “Jet and the Pet Rangers.”

Sa pamamagitan ng Just Love Kids platform, pwede na ring magrehistro para sa virtual classes sa pag-awit, pagsayaw, at pag-arte hatid ng Star Magic Workshops.

Ang Just Love Kids ang pinakabagong adisyon sa digital ventures ng ABS-CBN matapos ang introduksyon ng Kapamilya Online Live kung saan pwedeng mapanood ang mga luma at bagong programa ng ABS-CBN, ang online kids channel na TuTuBee, at mga digital event ng KTX.ph para maabot ang mas marami pang Pilipinong manonood pagkatapos na ma-deny ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN noong Hulyo 10.

Bisitahin ang Just Love Kids online edutainment hub sa justlovekids.abs-cbn.com simula ngayong Biyernes (Setyembre 11), at tumutok sa Just Love Kids morning block tuwing weekend sa Kapamilya Channel simula sa Sabado (Setyembre 12). Para sa iba pang detalye sa Just Love Kids, i-like ang @JustLoveKidsPH sa Facebook. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

#JusticeForJenniferLaude: Liza Soberano, disappointed sa desisyon ng goberynong palayain si Joseph Scott Pemberton

Tiktok with a Heart, LDR couples sa ‘Bright Side’