in

Kris Bernal, naudlot ang wedding plans

Sa latest YouTube vlog ni Kris Bernal, ibinahagi niya na sa May 2021 sana ang target nilang magpakasal ng fiancé na si Perry Choi. Pero dahil sa COVID-19 pandemic, naudlot muna ang mga plano nila. 

Aniya, “May 2021 pa talaga siya, ang naging problema lang namin siguro, hindi ka makapag-reserve ngayon. Hindi kami makapag-book ng church, hindi kami makapagbuo ng team, talagang wala, zero planning kami ngayon. Hindi namin inaasikaso, hindi mo rin sure kung kailan ‘eh, hindi mo rin sure kung matutuloy sa May 2021, ‘di ba? So talagang stop muna.”

Dagdag ng Kapuso actress, hindi rin muna natuloy ang plano nilang magpagawa ng bahay bago ikasal, “Siguro talagang naapektuhan, our house plans. Gusto kasi namin magpatayo ng bahay bago kami ikasal para when we get married, may sarili na kaming bahay, may uuwian kami. Sobrang naapektuhan talaga ‘yon. Nag-start na lahat ng planning, ng drawing, ng design and all pero natigil na nga.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Therese Malvar, paano pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista?

Kyline Alcantara, sinorpresa sa kaniyang debut!