in

TomCar, sa ‘Newsmakers’ ngayong Lunes

Ngayong Lunes (September 7), makakasama ni Winnie Monsod sa Newsmakers ang Kapuso couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Kabilang si Tom sa mga nahinto sa paghahanap-buhay dahil sa pandemic. Nobyembre 2019 pa raw siya huling nagkapag-taping. Kuwento ni Tom kay Mareng Winnie, wala raw talaga siyang kita nitong mga nakaraang buwan. “One hundred percent, I would say, because I have to go by my savings. My savings got depleted right away.” Ganunpaman, hindi ito naging hadlang para ipagpatuloy nila ng nobya niyang si Carla ang pagtulong sa iba. “Carla and I tried to do it out of our own pockets, trying to help out as much as we can. Carla was the one who suggested why not do something that you love?”

Bunsod ng mungkahi ni Carla, nitong Abril, nakibahagi si Tom sa proyektong “Guhit Pantawid: Portrait for a Cause” na layong makatulong sa mga informal workers gaya ng mga driver, street vendor, at construction worker. Kapalit ng donasyong P500, isang digital portrait ang iguguhit mismo ni Tom o ng iba pang visual artists. Nag-aral ng digital animation si Tom sa US bago nag-artista dito sa Pilipinas. Maituturing na “labor of love” ang bawat obra dahil ayon kay Tom, inabot siya ng dalawa hanggang tatlong araw kada digital portrait. Mahigit 80 digital portraits ang kanyang natapos sa loob ng halos dalawang buwan. Bukod kanila Tom at Carla, kilalanin ang iba pang Kapuso celebrities na pinatunayang hindi lang sa telebisyon napapanood ang pagtulong kundi maging sa tunay na buhay.

Samantala, bakit inakala ni Mareng Winnie na iniwan na siya sa altar noong araw ng kanyang kasal? Sino ang kilalang politiko na ninong nilang na-late sa wedding ceremony? At ano kaya ang itsura ni Mareng Winnie nang minsan siyang sumali sa isang beauty pageant? Ito ang mga kuwentong dapat abangan sa ‘Ansabe ni Winnie?’ dahil makikita ni Mareng Winnie for the first time ang colorized version ng mga piling photos mula sa kanyang kabataan. Ano kaya ang kuwento sa likod ng mga ito?

Isang special guest din ang makakasama niya sa kanyang ‘trip down memory lane’ — walang iba kundi ang kanyang mister na si Atty. Christian Monsod. Sa pagpapatuloy naman ng kanyang #plantita journey, magco-call-a-friend si MarengWinnie sa isang kilalang eksperto sa paghahalaman — ang mismong kalihim ng Department of Agriculture, William Dar! Ano kaya ang maipapayo niya kay #plantita Winnie?

Panoorin ang Newsmakers sa New Normal: The Survival Guide ngayong Lunes, 8:30 p.m, sa GMA News TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kapuso stars na bibida sa ‘I Can See You: The Promise’, sumabak na sa taping!

Bagong edu-tainment program, ngayong Sept. 15 na!