in

‘Sleepless’ nina Glaiza de Castro at Dominic Roco, nasa Netflix na

Isa na namang hit local film ang napapanood ngayon sa video streaming platform na Netflix – ang “Sleepless” na pinagbidahan ng Kapuso stars na sina Glaiza de Castro at Dominic Roco. 

Directed by Prime Cruz, isinasalamin ng pelikula ang buhay ng isang call center agent. “I’m very excited about Sleepless premiering on Netflix because it’s finally going to have a chance to be seen by more people. That’s every director’s dream, I think–to reach as many people as you can. And I’m hoping it can serve as a comforting hug to those in similar situations,” ani ni Direk Prime sa GMANetwork.com via Facebook Messenger.

Todo suporta naman ang netizens sa Twitter at nag-tweet pa ng kanilang favorite scenes sa pelikula. Hinangaan din nila ang husay sa pag-arte nina Glaiza at Dominic.

Matatandaang natanggap ng Sleepless ang parangal na NETPAC Jury Prize for Best Picture at the Circle Competition section noong 2015 sa QCinema Film Festival kung saan nagwagi rin si Dominic bilang Best Actor. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong edu-tainment program, ngayong Sept. 15 na!

Bagong scan ng pelikulang ‘Badjao,’ mapapanood na sa Cinema One