Ipinamalas ng teen actor na si Will Ashley ang kaniyang acting sa bago niyang vlog na ‘fake blood prank’ kung saan nabiktima niya ang kaniyang lola!
![](https://phentertainment.net/wp-content/uploads/2020/09/Will-Ashley-nagpakitang-gilas-sa-acting-1.jpg)
Kunwari ay biglang nahilo si Will at may lumabas na dugo sa katawan niya, bagay na ikinabahala agad ng lola niya. Higit sampung minuto rin siyang nag-acting na may masamang nararamdaman bago niya amining isa lang itong prank.
Samantala, patuloy na napapanood ang aktor sa recap ng ‘Prima Donnas’ sa GMA Afternoon Prime.