in

Gabbi Garcia, paano naghahanda para sa ‘All-Out Sundays?’

May pasilip ang Kapuso Global Endorser na si Gabbi Garcia kung paano siya naghahanda sa tuwing sasabak sa live streaming ng ‘All-Out Sundays’ tuwing Linggo.

Sa kanyang recent YouTube vlog, isa sa preparasyon ng Kapuso star ang paggamit ng hair treatment the night before ng kanilang live para sa AOS. Isang oras bago naman ang livestream, isang simpleng skincare at makeup routine lang ang ginagawa niya.

Aniya, “Usually my makeup for All-Out Sundays is super simple since we’re on Zoom. Parang walang makeup.”

Pagbabahagi pa ng Kapuso star, sa loob ng linggong iyon ay ibinibigay na raw ng production team ang videos, study materials, and songs. Si Gabbi rin daw ang nag-aayos ng setup niya gaya na lang ng lights, laptop, at table para sa kanilang Zoom live.

Mapapanood ang AOS tuwing Linggo, ‪12:45PM, sa GMA-7 at official social media accounts ng GMA Network. 

Written by Rhelyn Harder

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Will Ashley, nagpakitang-gilas sa acting!

Rita Daniela, may pasilip sa upcoming movie