in

Glydel Mercado, proud maging bahagi ng September line-up ng ‘Wish Ko Lang!’

Proud ang batikang aktres na si Glydel Mercado na mapabilang sa mga artistang bibida sa “Winner September” line-up ng Kapuso program na Wish Ko Lang!

Apat na mas pinalaki at mas pinatinding mga episode kasi ang dapat abangan ngayong buwan kung saan tampok bawat Sabado ang kuwento ng matatapang at mapagmahal na mga kababaihan.

Unang mapapanuod ngayong September 5 ang “Nalunod” episode na pagbibidahan ni Gyldel kasama sina Allen Dizon at Teri Malvar. Si Glydel ang gaganap sa isang inang gagawin ang lahat upang mailigtas ang mga anak na inanod ng baha. “I am honored and privileged that they chose me to be part of this episode,” say ni Glydel na aminadong nanibago rin sa paggawa ng naturang episode dahil na rin sa mga ipinatutupad ngayong safety protocols.
 
Mabigat ang role na ginampanan dito ni Glydel lalo na’t nangyari ang trahedya sa gitna ng kinakaharap nating pandemya. Bilang isang ina at babae, ano nga ba ang maipapayo ni Glydel sa mga kagaya ni Liza na humaharap sa ganitong dagok sa uhay? “Just don’t lose hope and always trust God, for he will not give you trials that you cannot overcome.”
 
Abangan ang “Nalunod” sa Wish Ko Lang, 4 pm ngayong Sabado sa GMA-7.

Written by Rhelyn Harder

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Denise Barbacena, nanghinayang na walang graduation ceremony

Sino ang matitirang ‘Last Woman Standing’ sa finale ng ‘Love Thy Woman?’