in

Boobay at Tekla, balik-taping na para sa ‘TBATS!’

Tila nabuhayan ng loob ang supporters nina Boobay at Tekla sa ipinasilip na pagbabalik-taping ng dalawa sa studio para sa fresh episode ng kanilang hit comedy program na The Boobay and Tekla Show.


 
Ibinahagi ni Tekla sa kanyang Instagram ang behind-the-scene photo nila ni Boobay na kuha mula sa kanilang taping day para sa ‘TBATS’ kahapon. 
 
Aniya, “Abangan sa September 13 ang new episode ng #TBATS. We’re back! Thank you, Lord! #NewNormal.”
 
Nag-post din ang direktor ng show na si Rico Gutierrez ng setup ng studio kung saan mapapansin na may imbitadong audience via Zoom sa LED display, “Break a leg team! May zoom audience kami today.”
 
Mas pasayahin ang inyong quarantine at samahan sina Boobay at Tekla sa much-awaited fresh episode ng ‘The Boobay and Tekla Show’ ngayong September 13 na, 10:15PM, sa Kapuso Network!

Written by Rhelyn Harder

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Pepito Manaloto,’ may special comeback episode ngayong Sabado

Mikael Daez at Megan Young, muntik nang mag-break?